"Teenage Pregnancy"



        Alam mo bang dumadami ang mga batang may anak? O kaya, mga batang nabubuntis sa murang edad? Nakakagulat dahil mas madaming mga batang magulang ngayon. Sa ating bansa may mga Pilipina na may edad 15 – 19 na taong gulang ay buntis o di kaya mga ina na. Ang mga kabataang nabubuntis ay maaaring ikasira ng kanilang buhay at kawalan ng maayos na pamumuhay. Ang isang pinaka-dahilan o epekto ng teenage pregnancy ay ang sintomas ng kahirapan. Madaming mga kabataang mahihirap na may anak dahil hindi sila nakapag-aral, hindi sila makakapag-trabaho dahil hindi wasto ang kanilang pinag-aralan. Ang teenage pregnancy ay isa sa mga tampok na issue na lumalaganap sa ating bansa. Hindi parin ito naiiwasan, lalo na sa bansang Pilipinas. Sa henerasyon ngayon ay laganap ang pagkakaroon ng relasyon lalo na sa mga kabataan at nauuwi sa pakikipag-tatalik. Kinahahantungan rin ito ng masamang epekto para sa mga dalagang babae na nakikipag-talik nang wala pa sa tamang edad. Karamihan din sa mga ito ay wala pa sa wastong pag iisip para gawin ang isang bagay. Ang teenage pregnancy ay may malaking epekto o implikasyon sa health care ng bansa, ito ang malaking health risk. Ang mga batang magulang o maagang nabubuntis ay hindi pa lubos ang kaalaman at hindi pa lubos na handa sa mga responsibilidad na haharapin nila. Ang issue na ito ay makakatulong sa pagmulat sa mga kabataan ang masamang maidudulot ng sobrang kapusukan ng pakikipagtalik ng mga kabataan ng walang basbas ng kasal. Ito din ay makakatulong na magbigay ng impormasyon sa paggabay at pagdisiplina sa mga kabataan. Maraming dahilan at rason kung bakit maagang nabubuntis ang mga kabataan, madaming epekto ito sa ating sarili at ekonomiya. Maaari nating mapigilan ang paglaganap ng mga batang ina o ang teenage pregnancy, ang kailangan natin ng sapat na kaalaman dito. Makakatulong din ang pagpapatatag ng pamilya ito ay isa sa mga makapangyarihang tugon sa isyu na ito. Kailangan, mabigyan ang kanilang pamilya at anak ng mga kasanayan na maaring makatulong sa kanila upang magdesisyon nga mainam at tama para sa kanilang sarili, kailangan silang mabigyang gabay at suporta sa kanilang mga desisyon. Ang paggabay at pagtulong ng pamilya ay isa sa mga maaring makatulong sa isyu na kinakaharap ng ating bansa.




































*( ang mga litrato ay nakuha lamang namin sa internet)

Edceleen Calar
Lorydela Agustin
Jann Mitzie Briones

  

Mga Komento

  1. Maganda ang nilalaman ng blog na ito at may matutunan at malalaman natin kung bakit mahalagang iwasan ang gantong isyu.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Sang ayon ako sa inyo ipinahayag. Maaari nitong mamulat ang ating isipan ukol sa bagay na iyan

      Burahin
  2. Sang ayon ako sa mga impormasyon na nandito. Talagang kailangan nating may kamalayan pag dating sa maagang pagbubuntis. Hindi ito basta bastang paksa.

    TumugonBurahin
  3. maganda at maraming matututunan sa blog na ito

    TumugonBurahin
  4. Importante ang inpormasyon na ito ngayon para sa mga kabataan.

    TumugonBurahin
  5. Nakakapulot ng aral, isa rin itong dagdag kaalaman para sa mga tulad nating kabataan.

    TumugonBurahin
  6. Marami akong natutunan sa mga binigay ninyong mga impormasyon. Salamat kasi hindi kayo madamot sa mga binibigay ninyong mga paalala at mga info. Tungkol sa Teenage Pregnancy. Salamat po!

    TumugonBurahin
  7. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  8. Tama kaya patuloy naghihirap ang Pilipinas dahil sa teenage pregnancy. Iyan ang mahirap sa Pilipino lagi inuuna ang love kaysa sa pag-aaral. Dapat aral muna bago.....

    TumugonBurahin
  9. Tama kaya patuloy naghihirap ang Pilipinas dahil sa teenage pregnancy. Iyan ang mahirap sa Pilipino lagi inuuna ang love kaysa sa pag-aaral. Dapat aral muna bago.....

    TumugonBurahin
  10. Madaming ngyayaring ganito dito sa bansa karamihan wala pang mga hanap-buhay kaya nahihirapan na ang sariling pamilya nila dahil sa maagang pag bubuntis pinapahirapan lamang nila ang sarili.

    TumugonBurahin
  11. Isa din ako sa mga teenage pregnancy, masasabi ko sa una na mahirap maging maaga naging ina, dahil hindi ako nakapag tapos ng pag-aaral pero hindi ito naging dahilan para masira ang buhay ko, kailangan mo lang ng determinasyon at tiwala sa sarili para ma-ipag patuloy mo ang mga pangarap mo.. Para sa mga kabataan ngayon ang ma-i-papayo ko lang sundin niyo ang magulang niyo dahil balang araw maiisip niyo din ang mga sinasabi nila sainyo at balang araw magiging magulang din kayo.. Kung hindi pa kayo handa maging magulang huwag na huwag kayo makikipag talik..

    TumugonBurahin
  12. mahirap talaga maging batang ina lalo na sa panahon ngayon kaya makinig at dapat sumunod sa magulang at magdasal na sana hindi mangyari sa inyo yon

    TumugonBurahin
  13. Mabusising nailahad ang mga impormasyon ��Bilang isang kabataan dapat hindi tayo magmadaling makatagpo ang gusto nating makasama sa buhay dapat tayong mga kabataan itanim natin sa puso at utak natin na dapat tuparin muna natin ang mga pangarap natin bago gawin ang mga bagay na maaaring maging balakid sa pagtupad natin. Magagawa naman natin yan ee sa tamang panahon nga lang ��Maghintay ka para sa nilaan sayo ng Diyos ;)

    TumugonBurahin
  14. ang blog na ito ay maari nating gamitin o gawing aral para sa ating buhay

    TumugonBurahin
  15. Ito ay makakapagbigay ng dagdag na kaalaman sa mga kabataan, lalo na sa mga kababaihan. Na kay hirap manganak sa murang edad at dapat pagisipan muna ang gagawing desisyon dahil makakaapekto ito sa ating kinabukasan. Dapat muna natin isipin kung tama ba ang gagawin nating desisyon upang sa huli ay hindi pagsisihan

    TumugonBurahin
  16. sapat ang impormasyon na ito para mamulat ang kabataang na nag nanais na maging batang ina

    TumugonBurahin
  17. Titanium Tube | baojititanium.blogspot.com
    Tagged: titanium exhaust tubing Tagged: Titanium baoji titanium Tube, Titanium Tube, Titanium Tube, burnt titanium Titanium 하랑 도메인 Tube, TOTO, Titanium titanium nose hoop Tube.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento